ISUMBONG MO! | NCRPO, nanawagan na i-report at ireklamo ang mga pasaway na pulis

Manila, Philippines – Nanawagan si NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar na i-report at ireklamo ang mga pasaway na pulis.

Ayon kay Eleazar, maaring mag-text sa SMS number na 0915-888-81-81 at 0999-901-81-81 ang mga may reklamo sa mga tiwali at mga pasaway na pulis.

Aniya, iimbestigahan ang mga mairereklamong pulis at kakasuhan kung kinakailangan.


Sabi pa ni Eleazar, mananagot rin ang mga commander ng mga pulis na mapapatunayang nagkasala o nakagawa ng krimen.

Umaasa kasi aniya sila na sa maayos na gabay at halimbawa ng mga station commander sa kanilang mga tauhan.

Facebook Comments