Asymptomatic cases ng COVID-19, posibleng limang beses pang mas mataas ayon sa eksperto

Posibleng mas mataas ng halos limang beses sa naitatalang kaso ng COVID-19 ang bilang ng indibidwal na asymptomatic o wala sintomas sa bansa.

Ito ang naging pagtataya ng UP Pandemic Response Team kaugnay ng mga pag-aaral na marami sa mga tinatamaan ng nasabing sakit ay walang sintomas kung pagbabasehan ang unang variant ng Coronavirus.

Paliwanag ni Professor Jomar Rabajante, kung higit 10,000 kada araw ang naitatalang kaso ng COVID-19, posibleng nasa 50,000 indibidwal ang tinatamaan nang walang kahit anong sintomas.


Inihayag din nito na malaki ang tiyansang madoble ang kaso ng nasabing sakit sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments