ATAKE | Missile attack ng Yemen sa Riyadh, napigilan ng Saudi Arabian Air Force

518

World – Napigilan ng Saudi Arabian Air Force ang nakatakda sanang missile attack sa Riyadh.

Gayunman, hindi pa matukoy ng mga orotidad kung sino ang nasa likod ng planong pag-atake.

Nito lang Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon, dalawang missile din ang na-intercept ng Saudi kung saan target ang airport sa Riyadh.

Ang Saudi Arabia ang kilala na nangunguna sa Coalition of States laban sa mga rebeldeng Houthi sa Yemen.

Facebook Comments