PRAYORIDAD MANALO MUNA | Philippine Azkals, hindi muna iniisip ang Asian Cup sa susunod na taon

Sports – Hindi muna iniisip ng Philippine Azkals ang posibilidad na makapasok sila sa unang pagkakataon sa Tournament Proper ng 2019 Asian Cup sa United Arab Emirates.

Ayon kay Team Manager Dan Palami, prayoridad ng koponan sa ngayon ay maipanalo ang laban nila kontra Tajikistan bukas para pormal na umusad mula sa group stage ang Pilipinas.

Sabi pa ni Palami, nakahanda na ang koponan at alam ng mga Azkals kung gaano kahalaga ang laro sa katuparan ng kanilang pangarap na mapabilang sa mga magagaling na koponan sa Asya.


Unang tinalo ng Azkals ang Tajikistan 4-3 sa unang round ng Asian Cup qualifiers sa Dushanbe.

Maghaharap ang Philippine Azkals at Tajikistan ala siyete y media bukas ng gabi sa Rizal Memorial Stadium.

Facebook Comments