Atas ng Pangulo na pangunahan ng DOJ ang pagsilip sa mga alegasyon ng korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno, welcome kay Ombudsman Samuel Martires

Walang nakikitang problema si Ombudsman Samuel Martires kung ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra ang trabaho para silipin ang mga alegasyon ng korapsyon sa mga sangay ng gobyerno.

Sa isang statement, sinabi ni Martires na wala siyang nakikitang kumpetisyon sa pagitan ng DOJ at Office of the Ombudsman pagdating sa pag-iimbestiga sa mga opisyal ng gobyerno na gumagawa ng korapsyon.

Aniya ang Department of Justice at ang anti-graft body ay may matagal nang partnership sa kampanya kontra katiwalian katulad ng naging paghawak nila sa kaso ng noon ay Priority Development Assistance Fund scam at ngayon ay Philhealth scam.


Sinabi ni Martires, sang-ayon siya na si Guevarra ang itinalaga ni Pangulong Duterte dahil ito ay matalino at disenteng public servant.

Wala aniyang basehan para bawiin o kaya ay maliitin ang layunin ng Pangulo sa pagbuo ng mega task force.

Aniya, anumang resulta ng mga gagawing imbestigasyon ay dadaan naman sa evaluation ng Ombudsman.

Tiniyak ni Martires na bilang independent constitutional body, makakaasa ang publiko na tuloy-tuloy na magsasagawa ito ng in-depth parallel investigations sa mga anomalya sa gobyerno.

Facebook Comments