Task Force na mangangasiwa sa pamamahagi ng COVID-19 vaccine, binuo ng IATF

38

Bumuo ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng COVID-19 Immunization Program Management Organizational Structure.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay pangangasiwaan ng National Task Force Against COVID-19 kung saan Department of Health (DOH) ang magsisilbing lead agency.


Inaatasan aniya nito ang DOH na agad i-convene ang Task Group COVID-19 Immunization Management at magtatag ng sub-task groups kung kailangan.

Paliwanag ni Roque, layon ng nilikhang task force na matiyak ang matagumpay at efficient na pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa target population.

Facebook Comments