ATAT-Na-ATAT ng KUMANDIDATO… Kelan ba ang Filing of COCs?… #COMELEC Resolution 10420, # HOUSE Resolution 20…

Ang pag-file ng Certificate of Candidacy ay magsisimula sa October 1 hanggang October 5, 2018, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon. Ito ay ayon sa Resolution No. 10420 na ipinalabas ng COMELEC nitong nakaraang biernes.
Binigyang-diin ng COMELEC na dapat sundin ng lahat ng aspirante ang panuntunan ng paghahain ng COCs ayon sa isinasaad ng Resolution No. 10420.
Saan ba dapat mag-file ng COC?
· SENADOR at PARTY-LIST – Comelec Law Department.
· CONGRESSMAN-WOMAN, Metro Manila Area – Regional Election Director, National Capital Region
· CONGRESSMAN-WOMAN, OUTSIDE NCR, City Election Officer
· PROVINCIAL OFFICIALS – Respective Provincial Election Supervisor
· CITY /MUNICIPAL OFFICIALS – City or Municipal Officer Concerned.
Ang filing naman ng substitute candidate ay hanggang sa November 29, 2018 lamang, ayon pa sa nasabing resolusyon.
Samantala, may inihain namang Resolusyon # 20 na naglalayong ipagpaliban ang Filing of COCs sa October 1-5, 2018, sa halip, ito ay i-schedule sa October 11-17, 2018 sa kadahilanang abala ang mga mambabatas sa unang Linggo ng Octobre. Ang nasabing resolution ay tinanggap at nilagdaan na nina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Majority Floor Leader Rolando “Nonoy” Andya.
“Baka mahirap yung resolution ng House of Representatives asking the filing of COCs be moved from Oct 1-5 to Oct 11-17” sabi naman ni former Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal.

Facebook Comments