Ateneo at UST, maghaharap sa finals!

Courtesy Sports Gateway PH

PASOK na sa finals ng UAAP Season 81 ang Ateneo Lady Eagles matapos lampasuhin ang FEU Lady Tamaraws sa iskor na 25-20, 21-25, 25-23, 25-14. Ito ang kanilang ninth finals appearance sa nasabing liga.

Matatandaan na tinalo sila ng Morayta-based team sa semifinals noong nakaraang season.

Naganap ang do or die match ngayong hapon sa San Juan Arena. Pinangunahan ni Kat Tolentino ang Katipunan-based squad na mayroong 19 points, 17 kills at dalawang blocks.


Inaasahan na magiging kapanabik-nabik ang Game 1 sa Sabado dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon sa UAAP history finals na maghaharap sila ng UST Growling Tigresses.

Facebook Comments