Ateneo Blue Eagles at ilang koponan ng PBA, namahagi ng face shields sa mga frontliners

Namahagi ng hihigit sa 3,000 face shields para mga frontliners sa National Capital Region (NCR) ang Ateneo Blue Eagles at ilang koponan mula sa Philippine Basketball Association (PBA).

Kabilang sa mga koponang ito ang Talk N Text, Meralco Bolts at NLEX Road Warriors.

Maliban sa kanila, sumama din sa pamimigay ang PLDT Home Fibr Hitters, Woodrose Football team, at Smash Pilipinas.


Nagpasalamat naman si Meralco Head Coach Norman Black sa lahat ng mga frontliners sa bansa dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Facebook Comments