Retiradong heneral, politiko nadakip sa sabungan

Kasama umanong nadakma ang isang retiradong heneral at ilang tanyag na personalidad nang salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang sabungan sa Batangas City noong Sabado.

Nasa 50 katao ang naiulat na nadatnan ng operatiba sa sabungan sa loob ng isang subdivision sa nasabing lugar.

Halos kalahati naman ang naaresto matapos magpulasan ang mga ito, ang ilan ay tumalon pa umano sa bangin.


Kabilang sa mga nadakip ang hindi pinangalanang dating military general at pulis na pasimuno umano, negosyante, politiko at tauhan ng Land Transportation Office.

Ayon kay Atty. Topher Hernandez, matagal nang nag-ooperate ang sabungan na mayroon aniyang malaking halaga ng pustahan.

Iniimbestigahan na ang may-ari ng subdivision, habang kakasuhan naman ng paglabag sa anti-gambling at Bayanihan to Heal as One Act ang mga naaresto.

Facebook Comments