Ateneo De Manila University Lady Eagles at De La Salle Green Archers, muling nagharap para sa UAAP season 79 Women’s Volleyball

184

UAAP – Muling nagharap ang magkaribal na Ateneo De Manila University Lady Eagles at De La Salle Green Archers kanina para sa UAAP Season 79 Womens Volleyball .

Ayon sa dalawang koponan, matindi ang kanilang preparasyon para umangat ang kanilang score.

Inamin ng team captain ng Lady Eagles na si Jia Morado na marami silang naging pagkakamali noong nakaraang Linggo matapos na matalo ng Lady Archers.

Ayon naman sa team captain ng La Salle na si Kim Fajardo, ibibigay nila ang kanilang makakaya para depensahan ang kanilang korona sa ngayong finals.

Matatandaan na noong elimination round ay dalawang beses na natalo ng ateneo ang la salle pero hindi pa rin natinag ang Lady Archers.

DZXL558

Facebook Comments