Bossing Vic Sotto, personal na inanunsyo ang pagdadalang-tao ni Pauleen Luna

165

Manila, Philippines – Isang magandang sorpresa para sa mga taga-hanga at mga kaibigan nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang inanunsyo sa kanilang noon time show kanina.

Dito ay masayang ibinahagi ni bossing Vic ang balitang magkaka-anak na sila ni Pauleen.

Pabiro pang sinabi ni Bossing na siya ang nagdadalang-tao.

Lubos na nagpapasalamat si Vic sa biyayang natangap nila ng kanyang asawa at humingi rin siya ng dasal para sa safety at “tagumpay” ng pagdadalang tao ni Pauleen.

DZXL558

Facebook Comments