ATIO CASE | 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity, naghain ng not guilty plea

Manila, Philippines – Naghain ng not guilty plea ang mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na isinasangkot sa pagpatay sa University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Sampung miyembro ng fraternity ang isinailalim sa arraignment kahapon sa Manila Trial Court Branch 20.

Kabilang dito sina: Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan; Daniell Hans Matthey Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Axel Munro Hipe, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat at Robin Ramos.


Nagpetisyon din ang mga akusado na makapagpiyansa.

Nakasaad sa Republic Act 8049 o Anti-Hazing Act of 1995, na inamiyendahan ngayong taon matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11053 o anti-Hazing Act o 2018 ang hazing ay non-bailable crime.

Nakatakdang pagdesisyunan ng korte ang plea sa August 14.

Handa namang ipaglaban hanggang sa huli ng pamilya ni Atio ang mga kaso laban sa mga akusado para makamit ang hustisya.

Facebook Comments