Manila, Philippines – Okay na pero hindi pa sapat para sa palasyo ng Malacanang ang kinahinatnan ng mga estudyante ng University of Santo Tomas (UST) na dawit sa hazing at pagkakapatay kay Atio Castillo .
Ito ang sinabi ng Malacanang matapos iexpel o patalsikin ng Unibersidad ang 8 nitong law students dahil sa nasabing kaso.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tama ang ginawa ng UST dahil ito ang magbibigay ng mensahe na ang mga unibersidad sa bansa ay hindi kinukunsinti ang karahasan.
Pero sinabi ni Roque na umpisa pa lamang ito at dapat ay magkaroon ng criminal prosecution dahil sa paglabag sa anti-hazing Law.
Facebook Comments