ATIO CASTILLO CASE | Ina ng hazing victim na si Atio Castillo, masama pa rin ang loob

69

Manila, Philippines – Sa kabila ng pagkakakulong ng sampung akusado sa pagpatay sa University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III, masama pa rin ang loob ng ina niya.

Ayon kay Carmina Castillo, mula pa noon ay wala na silang narinig na anumang paliwanag sa Aegis Juris Fraternity kung paano namatay ang kaniyang anak.

Giit ni ginang Carmina, hindi niya mapapatawad ang mga ito kahit makiusap pa ang mga akusado sa kaniya.

Umaasa ito na mabubulok sa kulungan ang mga akusado dahil sa ginawa nila sa kaniyang anak.

Nauna rito boluntaryong sumuko ang sampung akusado sa NBI matapos lumabas ang kanilang warrant of arrest.

Facebook Comments