Ginang, Huli sa Pagbebenta ng Shabu!

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang ginang sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng pinagsanib pwersa ng PNP Station 1 Santiago City sa pangunguna ni PCI Rolando Gatan, PDEA RO2 sa pangunguna ni SO2 Rosario Abella at CIB SCPO sa pangunguna ni PSUPT Rafael Cabonitalla dakong alas singko y media ng hapon, Marso 23, 2018 sa Brgy. Nagassican, Santiago City, Isabela.

Ang nahuli ay kinilalang si Florenda Bustamante, 57 anyos, walang asawa’t trabaho at residente ng naturang barangay.

Naaktuhan sa pagbebenta ng isang pakete ng shabu si Florenda sa isang poseur buyer kung saan narekober mula sa kanya ang limang daang pisong buy bust money.


Hawak na ng pulisya si Florenda habang inihahanda ang kakaharaping kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments