Manila, Philippines – Muling sumalang sa pagdinig ng Manila RTC ang sampung miyembro ng Aegis Jvris Fraternity na akusado sa pagpatay sa hazing kay UST Law student Horacio Castillo 3rd.
Present sa hearing ang tumatayong state witness sa kaso na si Mark Anthony Ventura.
Hindi pinayagan ang media sa loob ng korte, pero ayon sa ama ni Atio na si Horacio , maraming pinangalanan si Ventura kanina na kasabawat sa pagpatay sa kanilang anak.
Kabilang sa mga sumalang sa hearing sina
1. Arvin Balag,
2. Mhin Wei Chan,
3. Axel Hipe,
5. Oliver John Onofre,
7. Joshua Macabali,
9. Ralph Trangia,
11. Robin Ramos,
13. Jose Miguel Salamat,
15. Danielle Rodrigo,
16. Marcelino Bagtan
Sa kwento ng ina ni Atio na si Ginang Carmina sinabi nito na naging emosyonal si Mark Ventura sa pagsalang sa witness stand kung saan idinetalye nito ang nangyari kay Atio.
Nauna ang sumalang ang mga akusado sa arraignment at pre-trial sa sala ni Judge Marivic Balisi-Umali kung saan nagpasok sila ng not guilty plea sa kaso.
Muling ipagpapatuloy ang hearing sa kaso sa susunod na buwan.