Tuloy pa rin ang paghahanap para sa opisyal na flag bearer ng Philippine delegates sa nalalapit na 30th Sea Games.
Ayon kay Philippine team chef de mission William Ramirez – on going ang diskusyon ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee ukol dito.
Kabilang sa mga napipisil ay mga kampeon sa kani-kanilang larangan na sina:
- Ernest Obiena (pole vaulting)
- Carlos Yulo (artistic gymnastics)
- Nesthy Petecio (womens’ boxing)
- Eumir Felix Marcial (men’s boxing)
- Hidylin Diaz (weightlifting)
- Margielyn Didal (skateboarding)
Ang opening ceremony ay gaganapin sa November 30 sa Philippine Arena sa Bulacan.
Facebook Comments