Atletang nakapagtala ng record breaking sa larong 400m hurdles sa Palarong Pambansa – pinag-aagawan na

Manila, Philippines – Pinag-aagawan na ng mga scouter mula sa iba’t ibang unibersidad sa National Capital Region ang atletang nakapagtala ng record breaking sa larong 400m hurdles sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa sa Antique.

Ayon kay Dennis Gamboa, coach ng 12-year-old gold medalist na si Anna Marie Eugenio na tubong Alaminos, Pangasinan – agad na lumapit ang mga scouter para kumbinsihin ang bata na mag-aral sa kanilang unibersidad o kaya’y irepresenta sila sa iba’t ibang palaro na gaganapin sa bansa.

Pero sa ngayon ay wala pang desisyon si Eugenio at ikokonsulta muna aniya sa kanyang mga magulang.


Nabatid na na-break ang 20 taong record sa 400m hurdles matapos makapagtala si Eugenio ng 1:08.3 na oras at nalampasan ang dating record ni Junelou Cabal na 1:08.62 ng northern Mindanao na nagawa noong 1998.

Facebook Comments