ATLETANG TUBONG PANGASINAN, KAMPEON SA NATIONAL BODYBUILDING COMPETITION 2023

Naiuwi kamakailan lamang ni Norman Molina ang kampeyonato sa larangan ng Men’s Physique sa katatapos lang na Mr. BFC (Benguet Fitness Center) National Bodybuilding Competition 2023, na ginanap sa Lungsod Baguio.
Humihilera na si Molina sa elite class ng mga atleta sa Men’s Physique sa buong bansa at isa nang maituturing na living legend.
Isa sa kanyang naging sekreto ay ang determinasyon at disiplina at dedikasyon sa isports upang magdala ng karangalan sa Bayan ng Manaoag at sa probinsya ng Pangasinan.

Samantala, ikinararangal si Molina ng kanyang kapwa Manaoagueño sa kanyang nakamit na tagumpay. |ifmnews
Facebook Comments