Ipinagtanggol ni US President Donald Trump si Attorney General Jeff Sessions sa gitna ng panawagan ng mga democrats ito ay magbitiw na sa kanyang pwesto dahil sa pagsisinungaling.
Ito ay matapos ang pag-amin nito na nakipag-pulong siya sa Russian ambassador to US na si Sergey Kislyak ng dalawang beses noong nakaraang taon na sinasabing bahagi umano ito ng pangingialam ng Russia upang impluwensyahan ang halalan sa Amerika.
Ayon kay Trump – kumpyansa pa rin siya kay Sessions na naniniwalang ito ay tapat at walang ginawang masama.
Una ng iniligtas ni Sessions ang kanyang sarili na sinabing bagamat nakipagpulong siya sa Russian top diplomat ay hindi naman daw nila napag-usapan ang political campaign.
Facebook Comments