Wednesday, January 28, 2026

Atty. Ferdinand Topacio, tinawag na garapal ang pag-aresto sa NAIA kay retired General Romeo Poquiz

Umalma si Atty. Ferdinand Topacio sa pag-aresto ng mga awtoridad kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 kay retired General Romeo Poquiz.

May kaugnayan ito sa mga kasong rebellion at sedition na isinampa ng pamahalaan laban kay Poquiz.

Ayon kay Topacio, masyadong garapal ang pagkaka-aresto kay Poquiz at hindi man lamang sila pinalapit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang kliyente.

Mula NAIA, dinala sa Camp Karingal para sa pagproseso at mula sa kampo ay dadalhin siya sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 77 para sa paghahain ng piyansa.

Si Poquiz ang siyang pinuno ng United People’s Initiative (UPI) kung saan kasapi rin si Topacio.

Ang kanyang kaso ay may kaugnayan sa paglahok niya sa anti-government rally nitong Nobyembre kung saan hinimok daw nito ang mga sundalo na tumayo laban sa administrasyon.

Facebook Comments