Manila, Philippines – Iminungkahi ni Atty. Larry Gadon sa Kongreso na gawing special prosecutor si Pangulong Rodrigo Duterte sa impeachment case ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa presscon sa Quezon City, sinabi ni Gadon na maghaharap siya ng nasabing mosyon sa Kamara at sa Senado.
Aniya, wala naman umiiral na batas na nagbabawal sa Pangulo na makibahagi sa paglilitis.
Aniya, sa sandaling payagan ng maging bahagi ng private prosecutor si Duterte, hindi naman naman ito makakaimpluwensya sa impeachment proceedings dahil naniniwala siya na hindi naman nito kayang diktahan ang desisyon ng mga mambabatas.
Bubuo pa lamang si Gadon ng kaniyang legal team na babalangkas sa kaniyang kahilingan.
Gayunman, gusto niya na maging bahagi ng private prosecutor sa impeachment case kasama sana si Duterte.
Kaugnay nito, kinontra naman ng ilang mambabatas ang suhestiyon ni Gadon.
Ayon kina Deputy Speaker Fredenil Castro, Rep. Bernadette Herrera-Dy at Rep. Prospero Pichay, kung kukuha ng special prosecutor dapat ay manggaling ito sa legislative branch at hindi mula sa Executive.