Atty. Gadon, ipapa-disbar ng isang grupo matapos sabihing may HIV si dating Pangulong Aquino

Kinondena ng grupong The Red Whistle ang naging pahayag ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon sa isang radio program na namayapa si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa human immunodeficiency viruses o HIV.

Ayon sa grupo, malinaw na nilabag ni Gadon ang Republic Act No. 11166 o ang Philippine HIV Policy Act na nagbabawal na isapubliko ang pagkakakilanlan at kondisyon ng isang indibidwal na pinaghihinalaang o mayroong HIV.

Maliban dito, nilabag din anila ni Gadon ang Rule 1.01 ng Code of Professional Responsibility (CPR) na hindi dapat lumalabag ang isang abogado sa batas, hindi nagiging matapat at nagiging immoral.


Iginiit naman ng grupo na nakikipag-ugnayan na sila sa mga taong mayroong HIV para maghain ng disbarment complaint at criminal charges laban kay Gadon.

Facebook Comments