Naniniwala si Atty. Larry Gadon na ang Kongreso ang nakikita niyang paraan para ipabasura ang pangalang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pandaigdigang Paliparan ng Pilipinas.
Ito’y matapos ibasura ng Korte Suprema ang kanyang petisyon na naglalayong ipawalang bisa ang batas na naglalagay sa pangalan ni dating Sen. Ninoy Aquino Jr. sa International Airport ng Maynila.
Ayon kay Gadon, susulatan niya ang mga mambabatas para amyendahan ang Republic Act 6639 na nagbibigay ng pahintulot para ipangalan kay Ninoy Aquino ang tarmac.
Ang naturang batas ay ginawa noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino para ilagay ang pangalan ng kanyang asawa matapos itong barilin sa tarmac noong August 21, 1983.
Sa kanyang petisyon, sinabi ni Gadon na dapat ipawalang bisa ang Republic Act 6639 dahil wala umanong konsultasyong nangyari noong ginawa ito.