Atty. Harry Roque, pinapasuko na ng House Quad Committee

Nananawagan ang House Quad Committee kay dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na sumuko na at huwag nang magpalusot.

Mensahe ito nina Sta. Rosa City Representative Dan Fernandez at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers makaraang hindi katigan ng Supreme Court ang proteksyon na hinihingi ni Roque laban sa pagpapaaresto sa kaniya ng Quad Committee.

Diin ni Fernandez, ang batas ang dapat manaig kaya hindi dapat itago ni Roque ang kaniyang sarili sa likod ng mga technicalities o mga writ na wala namang basehan.


Hiling naman ni Barbers kay Roque, mainam na makipagtulungan ito sa isinasagawang imbestigasyon ng Quad Comm ukol sa nakaka-alarmang koneksyon ng Philippne Offshore Gaming Operators (POGO) sa iba’t ibang krimen, iligal na aktibidad at operasyon ng iligal na droga.

Ipinunto pa ni Barbers na kung walang itinatago si Roque ay bakit ito patuloy na nagtatago gayong marapat lang na maibatid nito sa publiko ang katotohanan ukol sa iligal na operasyon ng POGO na banta sa ating lipunan.

Facebook Comments