Atty. Jude Sabio, namayapa na

559

Pumanaw na si Atty. Jude Sabio na isa sa mga kontrobersyal na abogado.

Sa tweet ni dating Senator Antonio Trillanes IV, kinumpirma nito ang pagkamatay ni Sabio.


Si Sabio ay binawian ng buhay dahil sa stroke at siya ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Ang kanyang labi ay ike-cremate ngayong araw na ito.

Si Sabio ay isa sa mga kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinampahan pa nito ng reklamo sa International Criminal Court ang presidente dahil daw sa pagkakasangkot nito sa serye ng mga patayan pero kalaunan ay binawi niya rin ang kasong inihain.

Facebook Comments