Awiting ‘Amatz’ ng Filipino singer na si Shanti Dope, pasok sa Top 10 World Digital Song Sales chart

65

Pasok sa Top 10 World Digital Song Sales chart ang awiting ‘Amatz’ ng Filipino singer na si Shanti Dope.

Kasama ng awiting ‘Amatz’ ang apat na single na nitong nakalipas na buwan lamang nag-debut na kinabibilangan ng; ‘Film Out ng BTS na nakakuha ng Top 1; Spider ni ‘Hoshi’ na nakakuha ng Top 5 at ang ‘Tomorrow ni ’Chanyeol’ na nasa Top 9.


Inilabas ang chart na ito matapos i-play ang Filipino hip-hop song sa isang episode ng Disney series na “The Falcon and the Winter Soldier.”

Matatandaang una nang nag-trending ang awiting ‘Amatz’ sa Pilipinas matapos sabihin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may kinalaman ito sa ilegal na droga.

Itinanggi naman ng kampo ni Shanti Dope ang paratang at sinabing “unfair” at “offensive” para sa songwriter ang sinabi ng PDEA dahil awitin lamang ito.

Ang World Digital Song Sales Chart ang itinuturing na top 25 international singles sa US base sa sales.



Facebook Comments