Atty. Larry Gadon, may bwelta sa DOH

Bumwelta si Atty. Larry Gadon sa pagkastigo sa kaniya ng Department of Health (DOH) kasunod ng naging paliwanag niya sa maling pagsusuot ng face mask sa publiko.

Nauna rito sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire hindi nakakatulong ang statement ni Gadon.

Iginiit ni Vergeire na napatunayan sa mga pag-aaral na epektibo ang pagsusuot ng face mask para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Ayon kay Gadon, hindi niya ikinakampanya ang hindi pagsusuot ng face mask, kundi napa-plastikan lamang siya na may suot ng face mask ay obligado pang mag- face shield.

Pinatutsadahan kasi ni Gadon ang kaniyang mga kritiko na kung tunay aniyang epektibong panangga ang face mask, bakit aniya sumipa sa 100,000 ang tinamaan ng virus at umabot sa mahigit dalawang libo ang nasawi.

Sa halip aniya na matakot, mahalaga na panatilihing malusog ang katawan o mapalakas ang immune system.

Payo ni Gadon sa DOH, itigil na ang pananakot sa publiko.

Facebook Comments