Atty. Sabio, wala ng kredibilidad para sa 1 opposition Senator

988

Para kay Opposition Senator Francis Kiko Pangilinan, wala ng kredibilidad si Atty. Jude Sabio matapos itong pumihit at kumalas sa isinampang kaso sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Payo ni Pangilinan sa publiko huwag ng pansinin pa si Atty. Sabio na isa umanong balimbing at sinungaling.


Diin pa ni Pangilinan, hindi mabahago ng pag-atras ni Atty. Sabio ang katotohanan na umabot na sa libu-libong mga Pilipino ang nabiktima ng extra judicial killings na dapat imbestigahan at tugunan ng ICC.

Umaasa din si Pangilinan na sa halip pagtuunan ng pansin ang pulitika ay mas aatupagin ng administrasyon ang matitinding problemang kinakaharap ngayon ng bansa.

Pangunahing tinukoy ni pangilinan ang mga kalamidad na tumatama sa bansa tulad ng mga bagyo noong panahon ng kapaskuhan, pag-sabog ng Bulkang Taal, mga lindol sa Mindanao at delikadong sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments