Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na nananatiling proposal pa lamang ang petsang August 23 na araw ng pagbubukas ng klase.
Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, pwede pang magbago ang petsa at wala pang nailalabas na DepEd order hinggil dito.
Aniya, ang pinal na desisyon ay nasa kamay pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni San Antonio, ang proposed August 23 school opening ay nakabatay sa kasalukuyang school calendar schedule.
Batay sa 2022 calendar, ang huling Lunes ay holiday kaya kailangan nilang buksan ang school week na walang holidays.
Tumatalima rin ang DepEd sa batas na nagmamandatong kailangang hindi lalagpas sa buwan ng Agosto ang pagbubukas ng klase.
Pero magkakaroon din ng adjustments dahil ang School Year 2021-2022 ay sasabay sa panahon ng halalan.