Nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng relief assistance sa local government units (LGUs) na naapektuhan ng Bagyong Auring.
Sa statement, aabot na sa ₱179,000 na halaga ng food at non-food items ang naipamahagi sa mga apektadong rehiyon.
Batay sa report ng kanilang field offices sa Caraga, aabot na sa 3,858 na pamilya o 14,233 individuals sa iba’t ibang bayan sa rehiyon.
Mula sa nasabing bilang, nasa 3,403 na pamilya o 12,081 individuals ang kasalukuyang nananatili sa evacuation centers na itinayo ng mga LGU.
Nasa 142 bahay sa Caraga ang nasira ng bagyo.
Pagtitiyak ng DSWD na patuloy na naka-monitor ang Quick Response Team (QRT) sa sitwasyon at nakikipag-coordinate sa Social Welfare and Development (SWD) para sa karagdagang relief support.
Aabot sa 6,423 family food packs (FFPs) at non-food items na nagkakahalaga sa ₱13.5 million ang nakahandang ipamahagi sa relief operations.