#AuringPH | Halos 1,300 residente, inilikas na sa Caraga at Davao

Aabot sa 1,300 na pamilya o higit 5,000 indibidwal ang nananatili ngayon sa evacuation centers sa Caraga at Davao Regions.

Batay sa huling report ng Disaster Response Operation Monitoring and Information Center (DROMIC) report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 1,297 na pamilya o 5,054 na indibidwal ang pansamantalang inilikas sa 37 evacuation centers sa dalawang apektadong rehiyon.

Bukod dito, nakapagtala rin ng kabuuang 71 pamilya o 261 katao ang nananatili sa kanilang mga kaanak o kaibigan.


Sa 40 barangay, umaabot na sa 1,410 families o 5,475 indibidwal ang apektado.

Ang Local Government Units (LGUs) ay nakapagbigay na ng relief assistance na nagkakahalaga ng ₱179,000 sa mga apektadong pamilya.

Facebook Comments