#AuringPH | Higit 1,600 katao, inilikas sa Leyte at Southern Leyte

Umabot sa 1,633 na katao ang inilikas sa lalawigan ng Leyte at Southern Leyte dahil sa Bagyong Auring.

Sa islang bayan ng Limasawa, higit sa dosenang Locally Stranded Individuals (LSIs) ang inilikas patungo sa mga quarantine facility maliban sa Barangay Cabulihan dahil sa pagbaha at malalakas na pag-ulan.

Kabuuang 2,154 indibidwal, 781 rolling cargoes, anim na vessels at 12 vessels ang stranded sa limang pantalan sa Eastern Visayas.


Ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Regional Director Lord Byron Torrecacion, may mga pagbaha na naiulat sa Bontoc, Southern Leyte sa boundary sa pagitan ng Barangay Malibago at Baugo.

Kinansela ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng biyahe sa karagatan lalo na sa mga lugar na may Tropical Cyclone Warning Signals.

Facebook Comments