Australia, nanindigan sa suporta sa posisyon ng Pilipinas kaugnay sa isyu sa South China Sea

Masayang tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang ang Prime Minister ng Australia na si Anthony Albanese.

Sa kaniyang opening remarks bago nagsimula ang bilateral meeting sa Malacañang, sinabi ng pangulo na masaya siyang makita mismo sa Palasyo si Albanese makaraan ang halos 2 dekada bago mayroong lider ng Australia ang nakapulong muli ng presidente ng Pilipinas.

Nagpaabot si Pangulong Marcos kay Albanese nang pasasalamat matapos ng matibay na suportang ipinakita ng Australia lalo na sa katatapos lamang na 43rd Asean Summit.


Malinaw aniya ang pahayag ng Australia na kinikilala nito ang pagmamay-ari ng Pilipinas sa bahagi ng South China Sea at bidding nang 2016 arbitral award na pumapabor sa Pilipinas batay na rin sa United Convention on the Law of the Sea.

Pagbibigaay diin ng pangulo na nakakatuwang isipin at makita na mayroong ganitong pagsuporta ang Pilipinas mula sa kaalyadong bansa gaya ng Australia.

Sa panig naman ni Prime Minister Albanese, sinabi nito na masaya siyang makabisita sa Pilipinas.

Naniniwala siya na ang pagiging magkaibigan ng Australia at Pilipinas ay malaki ang maitutulong para maiangat pa sa mas mataas na antas ang relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi pa ng prime minister na pareho ang posisyon ng Australia at Pilipinas sa usapin ng security issues, ito ay ang pagtalima sa international law.

Facebook Comments