LTO, naglabas ng show cause order laban sa may-ari ng SUV na sangkot sa isa na namang viral road rage video

Ipatatawag ng Land Transportation Office ang may-ari ng sports utility vehicle (SUV) na nag-viral sa isa na namang road rage incident sa Valenzuela City noong August 19.

Nakarehistro ang SUV sa isang babae na naninirahan sa Bulacan.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, layon nilang malaman kung sino ang nagmamaneho ng SUV nang maganap ang panunutok ng baril sa Barangay Bignay sa Valenzuela City.


Gusto ring malaman ng LTO kung nabenta na ang sasakyan na o nahiram lang.

Nakikipag-ugnayan na rin ang LTO sa ibang ahensya na nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa insidente.

Gayundin sa Valenzuela LGU upang malaman kung nahagip ng CCTV ang mukha ng lalaking nagkasa ng baril sa video.

Facebook Comments