Australia, susubukang magpalaki ng halaman sa buwan sa 2025

Inihayag ng Australian scientists na susubukan nilang magtanim at magpalaki ng halaman sa buwan sa taong 2025.

Ayon sa plant biologist na si Brett Williams, dadalhin ng Beresheet 2 spacecraft ang mga butong gagamitin dito.

Matapos lumapag ang spacecraft, didiligan sila sa loob ng sealed chamber at babantayan sa senyales ng pagsibol at pagtubo nito.


Gagamitin naman sa misyon ang mga halaman na magaling maka-adapt sa mga extreme conditions at iyong mga mabilis tumubo katulad ng Australian “resurrection grass” na ayon sa mga eksperto ay kayang mabuhay ng walang tubig.

Ayon sa mga mananaliksik, isa itong hakbang malaman kung posible nga bang mabuhay ang tao sa buwan.

Ang proyekto ay pinapatakbo ng Lunaria One organization na kinabibilangan ng mga siyentipiko mula Australia at Israel.

Facebook Comments