Good news!
Dahil sa kabila ng 8,800 confirmed COVID-19 cases at 106 deaths sa Australia ay wala ni isang Filipino ang tinamaan dito ng nakamamatay na sakit.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PH Ambassador in Australia, Ambassador Ma. Hellen De La Vega na ito ay produkto ng pagiging maingat at pala sunod ng Filipino community sa health safety protocols doon.
Sa ngayon, ibinalik sa stage 3 o hinigpitang muli ang restrictions sa Victoria kung saan hindi aniya makakalabas kung hindi naman essential ang lakad.
Nag-deploy na rin ng karagdagang defense forces sa lugar upang tulungan ang mga pulis sa pagpapatupad ng stricter quarantine measures.
May mangilan-ngilan din aniyang Filipino ang hindi muna pinayagang makauwi sa bansa dahil sa lockdown pero may isang sweeper flight ang Philippine Airlines galing ng Sydney, Australia ang lilipad pauwi sa bansa sa darating na July 25, 2020, sakay ang ilang displaced OFWs.