Tinanggap kanina ng Philippine Red Cross (PRC) ang donasyong food truck ng Australian Embassy sa Pilipinas na magagamit sa paghahatid ng hot meals sa mga biktima ng kalamidad o emergency situation.
Pinangunahan mismo nina PRC Chairman at CEO Sen. Richard Gordon at Australian Ambassador to the Philippines, Steven Robinson ang isinagawang turn-over ceremony sa PRC National Headquarters sa Mandaluyong City.
Ang food truck ay kumpleto ng mini-kitchen at magagamit para sa mabilis at maayos na pagluluto at paghahanda ng hot meals na sapat para sa 800 katao.
Ang food truck ay may eight-hour operation na akma sa mga feeding program at disaster response operations.
Sa kasalukuyan ay mayroong labinlimang food trucks ang PRC na naka-istasyon sa Metro Manila, Nueva Ecija, Iloilo, Davao City, at Bacolod.
Nagpasalamat naman si Gordon sa Australian Embassy sa patuloy nitong pagtitiwala at pagkakaloob ng humanitarian assistance sa PRC.