Australian vloggers Mike and Nelly, todo pasalamat sa MIAA matapos maaresto ang taxi driver na umabuso sa kanila

Laking pasasalamat ng Australian vloggers na sina Mike and Nelly sa naging aksyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) hinggil sa isang taxi driver na naniningil sa kanila ng sobra nang dahil lamang sa kanilang bagahe.

 

Itinampok pa ng dalawa sa kanilang youtube channel ang insidente kung saan tumanggi silang magbayad dahil alam nila kung magkano lamang ang nararapat na pamasahe lalo na’t maka-ilang beses na din silang pabalik-balik ng Pilipinas.

 

Agad naman nasakote ang taxi driver na nakilalang si jhumil bule na residente ng Taytay, Rizal sa pakikipagtulungan ng intelligence and investigation department ng MIAA at ng Taytay PNP.


 

Nakaharap mismo ni MIAA General Manager Ed Monreal ang naarestong taxi driver at planong irekomemda sa lto na tuluyan nang ipawalang bisa ang lisensiya nito.

 

Ipinag-utos din ni Monreal sa airport police na huwag ng papasukin ang lahat ng davis taxi sa lahat ng terminal ng NAIA kung saan pumapasok bilang driver si Bule.

 

Bukod dito, Ipinagbawal na din ng miaa na pumila sa naia terminal 1 ang ibang puting taxi bilang pasimula sa tuluyang pagbabawal sa kanila na pumila at kumuha ng pasahero sa apat na airport terminal sa Metro Manila.

Facebook Comments