Pitong katao, sugatan sa nangyaring aksidente sa Osmena hi-way sa Makati City

Aabot sa pitong katao ang sugatan sa nangyaring aksidente sa northbound lane ng Osmena hi-way sa Makati City bago mag-alas sais ng gabi.

 

Ito’y matapos na araruhin ng isang 14-wheeler trailer truck na may kargang container van ang isang pampasaherong jeep, tatlong motorsiklo, isang e-bike at dalawang bisikleta.

 

Wasak ang harapan ng trailer truck maging ang isang motorsiklo at dahil sa insidente, pansamantalang sarado ang Gil Puyat avenue patungong maynila kayat sobrang sikip ng daloy ng trapiko.


 

Agad na isinugod sa Ospital ng Makati at Makati Medical Center ang mga sugatan kasama na din ang hindi pa nakikilalang driver ng trailer truck.

Facebook Comments