AUTO PRO PANGASINAN, NAGBABALA SA MGA DRAYBER NA NAGPAPATUPAD NG OVER CHARGING NA MAAARING MASUSPENDI O MAWALAN NG PRANGKISA

Nagbabala ang pamunuan ng AUTO Pro Pangasinan sa mga drayber na kabilang sa grupo na maaaring mawalan ang mga ito ng prangkisa sakaling mapatunayan na sila ay nagpatupad ng over charging ayon na rin sa reklamo ng ilang pasahero.

Sinabi ng Presidente ng samahan na si Bernard Tuliao na bukod sa posibilidad na pagbawi ng prangkisa at maaaring masuspendi pa ang permit ng isang buwan kung ang mga ito ay magpapatuloy na maningil ng mataas na pamasahe.

Dagdag ni Tuliao na marami pa silang natatanggap na mga reklamo mula sa mga pasahero kaugnay sa nananamantala na mga drayber.


Iginiit pa nito na nananatili sa siyam (9) na piso ang minimum fare sa mga pampublikong jeepneys.

Samantala, hinikayat niya ang publiko na sakaling maranasan ito ay mangyaring ipagbigay alam agad sa kanilang tanggapan o sa mismong opisina ng LTFRB kung makaranas mg over charging kapag sumakay ng jeepneys at bilang patunay ay maaaring kunan ng larawan o video ang mismong plaka upang sa gayon ay maaksyunan ng tama ang inihaing reklamo. | ifmnews

Facebook Comments