Grade 11 Student, Ginahasa ng Kapwa Menor de Edad; Mga Suspek, Arestado

29

Cauayan City, Isabela-Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang menor de edad na lalaki matapos umanong gahasain ang isang dalagita sa Tuguegarao City, Cagayan pasado alas-4:00 ng hapon nitong Sabado, Disyembre 25, 2021.
Kinilala ang biktima na si alyas “Nene”, 16-anyos, isang Grade 11 student at residente ng ibang barangay sa nasabing lungsod.

Habang ang mga suspek ay pawang Grade 9 at 10 na kapwa residente ng Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Tuguegarao City, habang nag-iinuman ang biktima at mga suspek kasama ang tatlong iba pa ay ilang minute pa ng nakaramdam ng pagkaantok ang biktima kung saan nagdesisyon ang grupo ng mga menor de edad na magpahinga muna sa kwarto ng isa sa mga suspek.


Ilang saglit pa ng magdesisyon namang umuwi nalang sa kanilang mga bahay ang mga pinsan ng biktima at iniwan ang biktima sa kwarto ng suspek.

Nang makabalik ang isang suspek sa bahay nila, nakita niya ang 14-anyos na kaibigan na unti-unting hinuhubaran ang ibabang kasuotan ng biktima at ginawa ang panggagahasa.

Base sa testimonya ng biktima sa mga awtoridad, pwersahan naman umano itong ginahasa ng isa pang suspek na 16-anyos.



Kaugnay nito, kaagad humingi ng tulong sa pulisya ang kaanak ng biktima ng malaman ang ginawang panggagahasa ng mga suspek.

Agad namang tumugon ang mga kinauukulan sa reklamo at dali-daling nagtungo sa pinangyarihan ng insidente kasama ang biktima at positibo nitong kinilala ang dalawang suspek na at inaresto.


Kapwa dinala ang mga suspek at biktima sa pagamutan para isailalim sa medical examination hanggang lumabas sa pagsusuri ng duktor na positibo sa nakalalasing na inumin ang mga suspek gayundin ang biktima.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang reklamo ang mga suspek habang nasa pangangalaga ng city social workers.

Facebook Comments