‘Auto Rebate Program’ ng OWWA-RO2, Mapapakinabangan na ng mga OFW

*Cauayan City, Isabela*-Maaari ng makatanggap ang mga long-time member na Overseas Filipino Worker sa ilalim ng ‘Auto Rebate Program’ ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-RO2).

Ayon kay OWWA Regional Director Luzviminda Tumaliuan, ito ay para lamang sa mga miyembro ng OWWA ng 10 taon o higit pa at walang nakuha na kahit anumang programa o benepisyo sa ahensya.

Ito ay batay sa nakasaad sa RA 10801 o OWWA Act.


Paliwanag pa ni Director Tumaliuan na ang maari lamang makakuha sa nasabing programa ay ang mga ofw na nakapagbayad ng lima o higit pang OWWA Membership simula noong December 31, 2017.

Ang mga qualified ofw ay makakatanggap ng 188.25 depende rin ito sa kontribusyon.

Para malaman kung ikaw ba ay miyembro ng ‘auto rebate program’, mag log-in sa www.owwa.gov.ph

Facebook Comments