Auto shop sa Mandaluyong, nasunog!

Manila, Philippines – Nasunog ang isang auto shop sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City pasado alas onse kaninang umaga.

Ligtas na nakalabas sa gusali ang mga staff nito pero natupok ng apoy ang limang sasakyan na nasa harap noon ng auto shop.

Kwento ng may-ari ng auto shop, may nagwe-welding sa loon ng establisyimento bago nangyari ang sunog.


Lalo pang lumaki ang sunog dahil sa pagtagas ng used crude oil na nakaimbak sa establisyimento.

Alas 12:38 kaninang tanghali nang ideklarang fire out ang sunog.

Inaalam pa ng mandaluyong BFP ang sanhi at pinsala ng sunog habang iniimbestigahan din nila kung may kaukulang permit ang auto shop.

Facebook Comments