3 miyembro ng Maute ISIS Group, sumuko sa Philippine Army sa Lanao del Sur

Lanao del Sur – Kusang loob na sumuko sa mga tauhan ng 49th Infantry Batallion ng Philippine Army ang tatlong miyembro ng Maute ISIS group sa Sultan Dumalondong, Lanao del Sur kaninang umaga.

Ayon Captain Clint Antipala ang tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army, alas-10: 30 ng umaga kanina ng sumuko sa Army ang tatlong mga Maute ISIS member.

Sinabi naman ni Lt. Col. Edgar Allan Villanueva ang Commander ng 49th Infantry Batallion ang mga sumuko ay mga tauhan ni sub leader Mubarak Manalo alyas Mubarak.


Dahil aniya sa walang tigil na operasyon kontra sa mga terorista kaya sumuko ang mga ito.

Isinuko rin nila ang kanilang mga armas iti ay ang isang M2 Carbine rifle, magazines at mga bala.

Facebook Comments