Itinakda na bago matapos ang taon ang public bidding para sa paglalagay ng Unified Electronic Ticketing System at Automated Ticketing Machines sa lahat ng daungan sa bansa.
Sa ulat ng Department of Transportation (DOTr), plano na ng Philippine Ports Authority (PPA) na pasimulan ang Automated Ticketing System sa susunod na taon.
Sabi ng PPA, ang paglalagay ng mga automated machines ay nakadepende sa dami ng pasahero sa bawat port terminal.
Pangunahing layunin nito na mabawasan ang human-to-human transactions upang makasunod sa ‘new normal’ protocols at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa DOTr, nagkaroon na ng demonstration at test run ng Unified Electronic Ticketing System sa Port of Batangas at Port of Calapan sa Mindoro noong nakalipas na linggo.