Automatic price control, umiiral sa Batanes matapos isailalim sa state of calamity – DTI

Binalaan ng DTI ang mga negosyante sa Batanes na wag manamantala matapos tumama ang kalamidad sa kanilang lalawigan.

Ayon sa DTI, umiiral ngayon sa Batanes ang price freeze kasunod ng deklarasyon ng state of calamity matapos ang 2 malakas na lindol noong sabado.

Sa mga lalabag, parusang may kasamang pagkakakulong ang kaakibat ng pagsasamantala sa presyo ng bilihin.


Batay sa RA 7581 o price act, otomatikong price control ang ipapatupad sa ilalim ng state of calamity para maiwasan ang kaguluhan dulot ng mataas na presyo ng bilihin.

Kabilang na dito ang bigas, tinapay, mais, mga karne, itlog, isda kape, asukal at iba pa.

Dapat mananatili sa presyo ang nabanggit na produkto tulad ng halaga bago pa man tumama ang kalamidad liban kung alisin ito ng pangulo.

15 days para sa petrolyo LPG at kerosin bago ang deklarasyon sa state of calamity habang 60 days para sa basic necessity.

Kapag napatunayang lumabag sa Price Act, kulong ng 1 hanggang 10 taon at multa na 5,000 pesos hanggang isang milyong piso ang parusang kahaharapin.

 

Facebook Comments