Nagpapasalamat ang hanay ng transport sector sa lalawigan ng Pangasinan sa pag unawa sa hanay ng mga drivers.
Ito ay matapos na may ilang mga commuters ang hindi na din kumukuha ng kanilang sukli sa kanilang pagbabayad.
Sa naging panayam ng ifm dagupan kay AUTOPRO Pangasinan President Bernard Tuliao, may mga ilang mga mananakay aniya na kapag sampung piso ang ibinayad ay hindi na kinukuha ang pisong sukli.
Malaking tulong aniya ito dahil maiibsan nito pansamantala ang hirap ng mga drivers.
Sa huli ay tanging pasasalamat sa mga nakakaintindi na mga commuters ang kanilang ipinapaabot lalo na’t hindi pa alam kung kailan itataas ang minimum na pasahe o kung kailan bababa ang presyo ng produktong petrolyo. | ifmnews
Facebook Comments