Umaasa ngayon ang transport sector na matutulungan ng susunod na administrasyon ang kanilang hanay sa gitna ng sunud sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at ang limitadong galaw dahil sa pandemya.
Ayon kay Bernard Tuliao, presidente ng Alliance United Transport Organization Province Wide O AUTOPRO Pangasinan, hindi na bago para sa motorista at publiko sa sistema na taas baba na presyo ng produktong petrolyo na halos nagiging linggo linggo.
Sinabi ni Tuliao na kapag ito ay nangyayari ay madalas kinakausap na lang nila ang kanilang hanay na magtiis lang muna dahil umaasa sila na sa ilalim ng bagong uupong administration na matugunan ang kanilang problema.
Hiling din nito ang mapabilis ang pagkakaloob na fuel subsidy sa mga jeepney drivers para ito ay kanila ng mapakinabangan. | ifmnews